Rebirth of a Phoenix

Since I moved from Blogger Beta to WordPress, seeing myself typing a blog entry in Tagalog came to an end. Almost If not for the sake of formality in blogging, it seems that I do not have the capability to post Tagalog entries anymore. Is it just me or is the world turning into a revolving wreckage nowadays? Perhaps that is the reason behind all of it. Perhaps. But in reality, I do not know why.

And I do not know too, if it’s high time for a change, or for an end.

Pero seryoso, sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang ulit ako gumawa ng ganitong klaseng entry. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil tinatamad na akong magblog. (Ang tagal ko na ring hindi nagpost, pero yung ibang araw na wala ako, walang kwenta ang dahilan.) Para bang nawalan ako bigla ng ganang magsulat. Para bang nauubusan na ako ng mga ideya – ng mga maaaring pag-usapan, ng mga pwedeng bigyang argumento. Parang nakakahiya nang ipresenta ang blog ko sa harap ng mga taong nagmumuni-muni gamit ang Internet, lalo na pag nakikita ng ibang bloggers na gaya ko – wala na akong binatbat sa kanila.

Siguro nga hindi para sa akin ang blogging. Parang dati lang, noong ginawa ko ang una kong blog isang taon na rin ang nakalipas. Malaki na ang duda ko sa sarili ko kung makakakuha ba ako ng hits, readers, ‘commenters,’ at kung ano ano pang terms sa blogging na hindi ko pa alam noon. Siguro hindi na ako dapat nagblog. Pero ano naman kaya ang mangyayari sa akin pag ganun?

Naisipan kong ituloy ang pagsusulat. Dala dala lang ang mga nangyari sa pang araw araw na buhay ko bilang freshman, natuto akong bigyan ng kulay kahit na paano ang bawat talatang i-type ko sa post template ng blog ko. Matapos basahin ng paulit-ulit sa utak at tanung ang sarili kung may maeengganyong magbasa nito, lalapatan ko ng pamagat at ipopost para makita ng madla sa pamamagitan ng Internet. Nagtuloy tuloy, hanggang dumami ang mambabasa, kumonti, at dumami muli. Paikot-ikot lang. Minsan tuloy, napagtanto ko: paano kaya kung itigil ko na lang ‘to?

Nung una pa lang, yun na ang iniisip ko. Pinag-iisipan ko na agad kung paano ako tuluyang magpapaalam. Pinag-iisipan ko na kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng mga nakilala ko gamit ang isang simpleng webpage na ang nilalaman lang ay puro kalokohan, at minsan mga kathang-isip ko lang. Ni hindi ko nga naisip na magkakaroon pala ako ng mga kaibigan gamit lang ang blog ko. Inaamin ko, malaki rin ang naitulong nito sa akin. Naging kausap ko ang blog, pati na ang mga nagbabasa ng entries ko, kapag hindi ako makapaglabas ng saloobin ko. Pero seryoso, kaibigan na rin ang turing ko dito sa blog ko.

Hahayaan ko pa rin kayang magliwanag o tuluyan ko nang papatayin ang apoy?

[Ang drama.]

9 Responses to “Rebirth of a Phoenix”


  1. 1 sherma September 12, 2007 at 2:06 pm

    no deal, arnel! hahaha…

    nawawalan talaga tayo minsan ng idea pero hindi yun isang rason para tumigil. ang drama mo nga… =)

    ok lang na mag-leave ka pero wag mag-quit. i will not accept excuses or whatsoever! basta!

    iniisip ko, bakit ka nga pala lumipat sa wordpress? ewan ko lang, ah pero bakit parang tinamad ka yata nung lumipat ka dito?

  2. 2 Arnel September 12, 2007 at 5:51 pm

    sherma – wala. actually, nun pa lang gusto ko nang itigil pero tinuloy ko pa rin, eto dito bumagsak ang eroplano.

  3. 3 kesh September 13, 2007 at 8:19 pm

    hi poh…. pwede patulong in making webpages..plzzz http://kesshy.blogspot.com thats my blog panget noh??

  4. 4 ikay September 13, 2007 at 10:22 pm

    panapanahon lang yan arnel. ngayon tinatamad ka, next time hindi na. depende naman kasi on how u use your blog e daba!? tsk.

    like mine. i use it to stress out the feelings that i cant tell anyone in the ‘real’ world. LOL.

    ..*and kamukha ko couz mo? really? lol

  5. 5 dxter September 14, 2007 at 12:36 am

    nyay writer’s block.
    dati din i had this kynna feeling. honestly gang ngaun.
    but don’t worry. ull get over it.
    only u can decide on the “Hahayaan ko pa rin kayang magliwanag o tuluyan ko nang papatayin ang apoy?” part hehehe…

  6. 6 tim ang September 14, 2007 at 6:42 pm

    pagod lang yan. mag-leave ka muna kung gusto pero wag kang mag-ki-quit.

  7. 7 jau September 14, 2007 at 9:35 pm

    na-saturate ka lang siguro. try to avoid posting regularly. that could help. =)

    btw, dumaan ako sa UPM/Rob Manila kanina para bisitahin si joan. may klase ka raw nun. hehe.

  8. 8 paintball September 18, 2007 at 2:28 am

    Oh wait. Yes, I have. I’m sorry, but I just don’t have it in me right now to type it all out again. Besides, it was just ramblings anyway. You didn’t want to hear me go on and on about this, right?

  9. 9 rowjie September 20, 2007 at 10:31 am

    hmmm… i don’t think you’re blog is senseless. actually you’re one of the goof writers whom I know in Pinoy Blogosphere. Minsan ganyan din ako, tinatamad, parang walang pumapasok na ideya sa isip ko. Pero dumadating din yung time na parang ma-eenlighten ka with fresh ideas.:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Zantetsuken

Him

He is a typical 17 year-old guy currently in his second year studying BS-Occupational Therapy in UP Manila, who still finds time to do things such as this nonsense. He simply stares blankly at space whenever he thinks of a new blog entry, so do not dare ask him how he came up with them anymore. (more..)

RSS Stalk Him.

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Rendezvous

September 2007
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Unexpected

  • 15,835 trespassers

%d bloggers like this: