Sex

Mainit.

Masarap.

Nang marinig ko ito ay naintriga rin ako tulad ng iba kong mga kasama. Akala ko nung una ay hindi ko ito magugustuhan, pero di nagtagal matapos kong makatikim ay nasarapan na rin ako. Madalas daw ay marami rito tuwing umaga, ngunit tanghali na nang amin itong subukan. Ganito pala ang pakiramdam. Mula noong araw na iyon ay hinahanap hanap ko na ang sex.

Mabilis lang ang serbisyo dito. Pagdating na pagdating namin ay may babae agad na lumapit sa amin upang kami ay alukin, at kami naman ay agad pumayag sa sobrang excitement. Ipinakita naman niya sa amin ang pagpipilian at di nagtagal ay nagkasundo na kami sa aming mga kukunin. Mabilis naman niya itong inihudyat sa kanyang mga kasama upang ihanda na para dalhin ang mga ito sa amin.

Ilang minuto lang ay dinala na sa amin ang mga hiningi ng bawat isa. Sa unang tingin pa lang ay naisip ko nang kami ay masasarapan sa aming titikman, at hindi ako nagkamali. Ang aming ibinayad ay nasulit naman ng husto. Ni walang pag-aalinlangan o pagsisisi sa loob ko na ginawa ko ang bagay na iyon. Bukod sa meron akong kasama noon, lahat naman kasi ay may first time ika nga nila.

Masarap pa rin pala kumain sa Sinangag EXpress kahit tanghaling tapat. Yung pinuntahan namin ay matatagpuan sa Vito Cruz, malapit sa Tahilan Residence. Marami kang pagpipiliang ulam, kasama ng sinangag na kanilang ipinagmamalaki at mura lang ang mga ito. Bukas sila beinte-kwatro oras, at sinisiguro kong sulit ang punta niyo rito. (Anong iniisip mo ha?)

29 Responses to “Sex”


  1. 1 Padre Salvi November 18, 2007 at 7:34 pm

    Haha. Grabe. Napaniwala ako dun. Mga babae ang serbidora. Haha.

    Ang galing.

  2. 2 ellie m. November 18, 2007 at 7:41 pm

    sira! hahaha.

  3. 3 Arnel November 18, 2007 at 7:44 pm

    Padre Salvi – oo, babae kamo lahat sila. ang lalaki lang dun yung mga cooks nila. lol.

    ellie m. – i know, i know.πŸ˜‰

  4. 4 karla November 18, 2007 at 7:49 pm

    =)) ay nako. “kala ko nung una ay hindi ko ito magugustuhan, pero di nagtagal matapos kong makatikim ay nasarapan na rin ako.” eto palang alam ko ng Sinangag Express na yun.

    meron dito samin, walking distance. =)) may classmate ako sabi niya dati “kami nga laging sex after church”

  5. 5 xienahgirl November 18, 2007 at 8:39 pm

    dear
    akala ko
    ako ang unang KASEX mo

    KAsama sa SinangagEXpress
    haha

    di mo na ako
    maloloko sa ganyan
    alam ko rin
    ang tungkol sa
    sinangag express
    na kung tawagin nga ay
    SEx.
    tsk tsk

  6. 6 Dan Hellbound November 18, 2007 at 8:42 pm

    Masarap talaga ang SEx, bro. I tried their dishes and I go back for more ever since. Two thumbs up sa sarap!

    Ipagpatuloy ang kabaliwan! Bwahahaha.

  7. 7 Arnel November 18, 2007 at 8:44 pm

    karla – =)) ang sagwa pakinggan pero nakakatawa.

    xienahgirl – sayang nga dear eh, di bale next time SEx tayo.πŸ™‚

    Dan Hellbound – next meet up sa SEx tayo kain! hahaha.

  8. 8 skwayred November 18, 2007 at 9:02 pm

    Narinig ko na din ‘yang SEX na ‘yan pero di ko na nasusubukan. Pero ang awkward naman na sabihin sa friends mo na, “SEX tayo,” lalo na kung di kayo pareho ng gender.πŸ˜€

  9. 9 aya November 18, 2007 at 10:00 pm

    you had me there. hahaha.

  10. 10 Yom November 18, 2007 at 10:11 pm

    Promise, masarap talaga sa SEx! Haha. My blockmates and I used to eat there.πŸ˜€

  11. 11 Yom November 18, 2007 at 10:12 pm

    Amp, Vito Cruz pala kayo kumain? Bakit hindi sa Pedro Gil? Meron dun, ah.

  12. 12 Arnel November 18, 2007 at 10:14 pm

    skywayred – ui, salamat sa pagbisita.πŸ™‚

    aya – ikaw ha, huli ka. lol.

    Yom – may practice kasi kami dun sa Tahilan Residence eh. nagkayayaan kaya ayun. hehe.

  13. 13 tim ang November 18, 2007 at 10:26 pm

    naloko ako dun. akala yun na yun, pero hindi pala.

  14. 14 pam November 19, 2007 at 10:42 am

    hanep. expert. hahahaha.πŸ™‚

    no seriously, ang ganda ng pagkasulat. xD

  15. 15 Arnel November 19, 2007 at 11:16 am

    tim ang – ikaw ha. bad. lol.

    pam – sanay eh.πŸ˜›

  16. 16 jeniffer November 19, 2007 at 2:53 pm

    hahaha.. you caught me there, pero onti lang.. hehe.. haha.. good post..πŸ˜‰

  17. 17 jau November 19, 2007 at 6:10 pm

    haha. masubukan nga ang SEx pag napadpad sa manila.
    nice one, btw.πŸ™‚

  18. 18 dxter November 19, 2007 at 6:57 pm

    hmm, mapunthan nga yan!! heheπŸ˜€

  19. 19 Arnel November 19, 2007 at 10:11 pm

    jeniffer – hey, long time no see.πŸ™‚

    jau – marami silang branches, i believe meron sa diliman(?) di ko lang sure.

    dxter – dapat lang. masarap talaga. hehe.

  20. 20 eric November 20, 2007 at 1:09 am

    grabe, akala ko yung totoo hindi pala. huli ako ah.

  21. 21 blanca November 20, 2007 at 9:46 pm

    wow… siguro kailangan ko ring matikman ang SEX na yan.. ahahaha

  22. 22 tina November 21, 2007 at 12:16 pm

    hehe. you made me think.. i know this is some kind of a word play. nyahaha.πŸ˜›

  23. 23 Arnel November 21, 2007 at 9:22 pm

    blanca – wahahaha, masarap duun.πŸ˜€

    tina – kala ko huli ka rin eh.πŸ˜›

  24. 24 patty November 22, 2007 at 3:38 pm

    SABI NA EH.:)
    haha! oo nga. masarap talaga dyan.πŸ˜›

  25. 26 benj November 23, 2007 at 2:40 am

    I actually disagree. I don’t like SEx. Hindi sulit. Masyadong mahal para sa lasa.

  26. 27 virginia November 23, 2007 at 7:59 pm

    sus kala ko kung anong kabulastugan na! wholesome naman pala sa dulo!

  27. 28 Arnel November 23, 2007 at 8:15 pm

    benj – haha. baka magkaiba lang ang lebel ng panlasa natin. as i see it, 2:1 dude.πŸ˜›

  28. 29 amikus November 24, 2007 at 6:40 am

    saan ba makakatikim ng SEX na yan?! haha. (padaan po)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Zantetsuken

Him

He is a typical 17 year-old guy currently in his second year studying BS-Occupational Therapy in UP Manila, who still finds time to do things such as this nonsense. He simply stares blankly at space whenever he thinks of a new blog entry, so do not dare ask him how he came up with them anymore. (more..)

RSS Stalk Him.

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Rendezvous

November 2007
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Unexpected

  • 15,835 trespassers

%d bloggers like this: