Down, Down, Down

Tiningnan ko yung dati kong blog kani-kanina lang. Nagbasa ng mga pinaglumaan kong posts, natawa, nagdrama at natahimik pagkatapos. Ang laki na ng pinagbago ng mga posts ko simula nung lumipat ako ng WordPress. Nawala na yung mga dati kong sabaw na posts, parang bula. Habang tumatagal nagiging seryoso na yata ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko akalain na ganito na ako katanda, o ka-mature. Pero hindi ko pa rin alam.

Gusto kong magmura, magdrama at maglabas ng hinanakit at sama ng loob kahit ngayon lang sa post na ‘to. Naiiyak ako. Shet. Napakasakit, Kuya Eddie. Ang sakit sakit. Kung pera lang sana ang luha, mas mayaman na ako ngayon kay Eddie Gil. Kaso nga lang hindi eh. Kaya eto, iiyak na lang ako.

Pero di ba totoo? Sige, subukan mong tingnan yung mga posts bago ito. Panay nakakadugo ng ilong, di ba? Nawala yung dating ‘ako’ sa kanila. Yung makulit na blogger na mahilig mag-imbento ng kung ano-anong kalokohan sa mga ibubulgar niya sa internet. Yung gago na akala mo kung sinong makausap ng mga nagbabasa ng blog niya. Nasaan na nga ba siya? Natanong na nga rin sa kin ng isang blogger friend ko kung ano na ang nangyari kay ‘loverboy‘. Kung hindi niyo siya kilala, si ‘loverboy‘ ang dati kong alter-ego. I-emphasize natin yung dati kasi nga di ba, wala na siya. Pero ewan ko, parang meron pa rin ngayon. Tinga tinga siguro.

Pero seryoso, abala lang ako these past few days, kaya siguro medyo malalim ang naiisip ko na para akong lumilipad sa kawalan (Tingnan mo yung description ko). Aba pucha, abala pa pala ako sa lagay na ‘to. Nakakapagblog pa nga ako, eh. Buti na lang naiisipan ko pang magsulat kahit paano. Kung hindi, baka nabaliw na ako. Ito na lang ang paraan ko para hindi masyadong mabagot sa kakangudngod ng mukha ko sa libro at kakahawak ng ballpen. Dapat may konti namang libangan. Pangbalanse lang ng buhay buhay. Kaso tingin ko parang ganun din eh. Ang labo ko rin no? Baliw na nga yata ako.

Siguro namimiss ko lang yung dating paraan ko sa pagsusulat ng kalokohan. Lahat ng pang uuto ko dati, pagpatol sa mga mabababaw na bagay sa mundo, lahat ng kasabawan. Sana isang araw maging joketime ang lahat. Sana isang araw magulo ang mundo, para may mapost din akong magulo.

Gustong-gusto ko nang balikan yung dati, may sabaw. Kasi mas makulay ang sinabawang gulay. Kaya maghintay lang kayo, because ‘I’ shall return.

21 Responses to “Down, Down, Down”


  1. 1 deng November 29, 2007 at 10:24 pm

    sige arnel, hihintayin kita.πŸ™‚

  2. 2 gyk November 30, 2007 at 11:17 am

    ganda rin pala ng dati mong blog. ako rin, dati binasa ko yung dati kong blog. mas madrama yun kesa sa blog ko ngayon. hahaha

  3. 3 aya November 30, 2007 at 2:45 pm

    haha, yeah namiss ko yung mga posts mo dati. puro kalokohan.

  4. 4 Arnel November 30, 2007 at 2:54 pm

    gyk – haha, it’s always nice to look back.πŸ™‚

    aya – may nakakamiss din pala nun bukod sa akin?πŸ˜›

  5. 5 Padre Salvi November 30, 2007 at 3:21 pm

    haha. aabangan ko yan! haha. seryoso mga posts mo dito kasi eh. pero ok lang.

  6. 6 sherma November 30, 2007 at 9:31 pm

    hmmmm… oo, seryoso nga dito pero parang mas nosebleed ako dun sa dati… hehehe…

    babalik na ba ang airplane mo?! hehehe… leave po muna ako kasi abala sa ibang company… intern na ang iyong flight attendant, eh… =)

    haay… nakapag-blog hop din! miss ko blog mo! =)

  7. 7 Arnel November 30, 2007 at 10:34 pm

    Padre Salvi – i will be going to put some comedy sooner or later haha.

    sherma – wahaw intern na pala siya kaya naglaho. ni hindi nagfile ng LOA! AWOL! bawas sweldo!πŸ˜›

  8. 8 xienahgirl November 30, 2007 at 10:39 pm

    kahit ano mangyari dear
    magiba ka man ng katauhan
    love pa rin kita.πŸ™‚

    ikaw lang ang nagiisang dear ko.❀

  9. 9 eric December 1, 2007 at 1:16 pm

    you have a nice blog there at loverboyparadigms. but why leave your old alterego?πŸ™‚

  10. 10 Arnel December 1, 2007 at 1:35 pm

    xienahgirl – aw dear tats ako.❀

    eric – i have personal reasons behind that one, which were gone along with the blog.

  11. 11 pam December 1, 2007 at 4:15 pm

    hehehe.πŸ™‚ ganyan talaga ang feeling pag nagbabalik-tanaw. waah. (what did i just say?? ang lalim! nagbabalik-tanaw!) haha! xD

    palink naman tong domain ko, but please dont delete mystiquememoirs. hehe. thanks!πŸ™‚

  12. 12 Yom December 1, 2007 at 9:24 pm

    Ako din, mas naging seryoso ‘yung posts ko sa WP. Haha. Pero okay lang. Haha.

  13. 13 Charlene December 1, 2007 at 9:59 pm

    Nakakatuwang basahin ang old posts. Ako pag binabasa ko yun, natatawa ako na nalulungkot rin. Tapos parang sobrang iba na rin yung dati kong pagsulat sa ngayon. Dati parang mas seryoso, ngayon medyo sabaw. Minsan. Haha.

    Anyway, ngayon lang ako nakadaan sa blog mo. Salamat sa pagdaan rin sa blog ko. Hehe.πŸ™‚

  14. 14 Arnel December 1, 2007 at 10:09 pm

    pam – okay okay, ayusin ko yung links ko mayamaya.πŸ™‚

    Charlene – haha, baligtad pala tayo eh. you’re welcome.πŸ™‚

  15. 15 Donya Quixote December 2, 2007 at 12:43 am

    oo nga, iba nga style mo ngayon. uber serious and everything…

    style ko… erm….

    i swear, i’m not THIS messed up and crazy in real life… okay, maybe i am.πŸ˜› pero hey, i DO have my serious moments. WAHAHAHA (sabay tawa pa talaga).

  16. 16 aaronautics December 2, 2007 at 1:29 pm

    Your former blogsite, as far as cute and carefree factors are included in the criteria, seem to be much better, a lot better. Im not saying that this new site of yours is boring, natutuwa nga ako sa entries mo actually. Siguro, kulang pa sa sabaw. ANyway, kung walang sabaw, lagyan ng sauce, add some more spice! will link your site! its so cool.πŸ™‚

  17. 17 dxter December 2, 2007 at 8:53 pm

    im gonna look forward to that one.πŸ˜€

  18. 18 iskoo December 3, 2007 at 2:31 pm

    yun ang maganda sa blogging, pwedeng mag balik tanawπŸ™‚

  19. 19 patty December 3, 2007 at 5:50 pm

    pwede mo pa rin naman gawin ung style mo dati eh.: haha. un nga rin ung naisip ko habang binabasa ko ung blog ko ngaun. kasi sinaisip ko na dapat tagalog lang posts ko. eh di ko rin napigilan napaingles na naman ung mga post ko.:)) haha. sher.

    ok lang yan. good luck sa school, at sa lahat!:) sooner di ka na magiging busy for sure.

  20. 20 Arnel December 3, 2007 at 9:26 pm

    DQ – proves your sabaw level. haha.

    iskoo – too bad titigil ka na sa pagphoto blog mo. sad.😦

    patty – thanks thanks!

  21. 21 Wroguetrofe December 9, 2007 at 9:32 am

    I’d prefer reading in my native language, because my knowledge of your languange is no so well. But it was interesting!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Zantetsuken

Him

He is a typical 17 year-old guy currently in his second year studying BS-Occupational Therapy in UP Manila, who still finds time to do things such as this nonsense. He simply stares blankly at space whenever he thinks of a new blog entry, so do not dare ask him how he came up with them anymore. (more..)

RSS Stalk Him.

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Rendezvous

November 2007
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Unexpected

  • 15,835 trespassers

%d bloggers like this: